Archive | tv RSS for this section

tragic

image

napanuod ko kahapon ang video ng pagtangay sa agos ng isang babaeng nasa bubong ng kanyang bahay.

nawala na lang sa tubig.

tragic.

iniwan na naman ng bagyo na gumagapang sa hirap ang mga pinoy na dati mahirap.

parang nakadapa na nga, ingudngud pa.

ingats mga pips.

#bagyonglabuyo

my puhunan

image

lagi ako nanunuod ng bagong tv program na “my puhunan”.

nakakainspire na makapanuod ng mga taong gumanda ang buhay mula sa pagiging walang-wala. and then ipapakilala sya sa isang taong kasalukuyang nagsisikap umangat sa buhay, pra matulungan din makaangat.

kakarelate ako sa ganito kasi galing din ako sa sobrang hirap. naghuhugas kami ng mga nabiling bote noon para ibenta ulit. pinagsabay ko rin ang pag-aaral ko sa pagtatrabaho sa isang opisina.

kahit papano, nakaahon naman kami sa hirap.

kudos sa staff ng “my puhunan”.

haiyst.

image

unang araw ngaun na bawal na sa edsa  ang mga bus galing cavite at batangas.

eto ending.

naguluhan ang mga tao kung saan na sasakay. wawa naman mga matatanda, buntis, may dalang mga bagahe at mga bata.

dagdag pamasahe pa dahil kelangang magpasalin salin ng jeep.

wala ngang trapik. ganda.
very good pag may car ka.

pero late pa rin sa work ang mga karaniwang manggagawa.
at grabeng kalbaryo sa mga namamasaheros.

pero wala na ngang trapik. ganda.

(credit to the photo owner.gmanews ata 🙂

%d bloggers like this: